byxbuzz

Saturday, February 4, 2012

byxbuzz


Carla Abellana Lilipat sa ABS-CBN?

Posted: 04 Feb 2012 06:30 AM PST

Naibalita ko before na di raw totoong lilipat sa ABS-CBN ang Kapuso star na si Carla Abellana, ito ay ayon sa nasulat sa website ng Balita.

Pero ayon sa aking source ay may nagaganap na negosasyon sa pagitan ng manager ni Carla at ng ABS-CBN. Malapit na matapos ang teleserye nito at ayon sa aking source sa Marso ang expiration ng contract nito sa GMA.

Sa ngayon daw ay humihingi ng ilang linggong pahinga si Carla para makapag-isip at mareview ang mga offers ng Kapamilya network.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ang Design ng Bagong Stage ng 'It's Showtime'

Posted: 04 Feb 2012 05:04 AM PST

Simula nga sa Lunes ang paborito nating Talent Show na 'Showtime' ay magiging Noontime Variety Show na at magiging 'It's Showtime' na ang title nito. Bago na rin ang studio nila, ang Studio 3 na nga ng ABS-CBN ang bagong tirahan ng Shwotime barkada at base sa mga ulat, ito raw ang design ng bago nilang stage! Bongga!


Photo via ABS-CBN Forum (Eloisa Morong and Regine Mae Geneta)


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Andi Eigenmann Magbibida sa Teleseryeng 'Problem Child'

Posted: 04 Feb 2012 04:56 AM PST


Napost ko nga dati na ang Pinoy Version ng 'Maria Mercedes' ang bagong programa ni Andi Eigenmann sa pagbabalik telebisyon nito matapos nitong mapanganak. Pero ang nasabing proyektong ay di natuloy at ang TV adpatation ng 'Problem Child' ni Elwood Perez na ang nakatakda niyang gawin.

Si Martin del Rosario pa rin ang makakatambal niya na napabalita ring makakatambal niya din dapat sa 'Maria Mercedes'. Sila ng kanyang ina na si Ms. Jacklyn Jose ang magbibida saseryeng ito at makakasama din nila ang Tita ni Andi na si Cherie Gil.

Infairness bagay kay Andi ang tema ng teleseryeng ito. Napabalita dati na si Yen Santos ang magbibida rito.

Photo via facebook.com/PhilippineTVOfficial


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Nagiging Bias ba ang 'PBB Unlimited'?

Posted: 04 Feb 2012 04:46 AM PST


Naniniwala ako sa blog post na ito ng Team High Voltage Fans sa kanilang blog na teamhighvoltagepbb4.weebly.com. Ito rin kasi ang nararamdaman ko sa programang 'Pinoy Big Brother Unlimited', fan ako ng PBB mula noong 2005 pa pero dispappointed talaga ako sa mga nangyayari sa season na ito. Di bonggang twists, tasks, magulo at pabagao-bagong rules, pagiging di patas.

Sinusubo na natin sa nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan na Sekretarya ni Kuya ang mga videos na nagpapakita ng mga nagawang violations ng ilang Housemates pero hinde ito pinansin nila ang mga ito. Since sila ang biahasa sa rules ng 'Big Brother' dapat i-inform nila tayo kung violations nga ang mga iyon or hinde, kasi alam mo yung feeling na wala silang paki sa mga fans. Hinde naman siguro kaubusan ng oras nila ang pagtweet para malinawagan tayo. Yun lang naman mahirap bang gawin iyon? Eh araw-araw nga silang nagtutweet ng kung anu-ano. Ay naku! Oh well narito na yung blog post ng team High Voltage

Nang binuksan ni kuya ang bahay nya para sa season na to, madaming viewers ang natuwa. kitang kita na super solid at priority talaga nila ang panunuod ng PBB.. Simula bata, hangang matanda.. mararamdaman mong inaabangan talaga nila ang Uday at Unight. Ngunit habang tumatagal ay tila nagiging bias ang show. Madaming nagsasabi na ang reality show ay naging manipulating show. Nakakaumay na daw ang pinapalabas nila at SUPER edited na..

Sa isang viewer na katulad ko, (nanonood ng live stream) ay masasabi kong madami talagang hindi naipapakita sa pbb shows. Naiintindihan naman naten dahil kulang ang ilang oras pra ipakita lahat ng mga ginagawa nila.. Pero ang hindi nagustuhan ng karamihan ay ang pagtatakip ng baho ng ibang housemates sa mga viewers. Isang halimbawa dito ay yung issue ky Carlo at sa ibang housemates. Kung maaalala nyo ay nung intensity 7, nagkaron ng malaking issue sa nasabi ni Carlo na "just enough effort" lang ang ibinigay nya sa task na sasalba ky Ryan. Ipinalabas ni Kuya ito at ipinarinig pa sa Wayuk. Pero ang hand signs, pagbback stab at pagt-threat ng ibang housemates ay hindi nila pinalabas.. Halos isubo na sakanila ang mga recorded videos sa LS ngunit hindi ito binigyang pansin. Sa halip ay ipinakita at ipinalabas na mabuti ang ilan.

Hindi pa nakuntento at eto na si Deniesse.. Isang housemate na pilit na lumaban at pinatunayan ang sarili nya na hindi sya uurong sa lahat ng hamon. Nagtiis nga si Deniesse pra makapasok sa top 14 at manatiling High Voltage ngunit sa huli ay inilipat padin nya si Deniesse. Tanging pag-iyak nlng ang nagawa nya. Dahil din sa hindi pantay na bilang ng mga housemates ay binigyan pa ng chance mamili ang Wayuk kung sino ang gusto nilang malipat sakanila at ang naging Top 3 nga nila ay sina Carlo, Slater at Eting. Team High Voltage na nga ang malalagasan, sila pa ang pinahirapan. Habang nakahiga at natutulog ang Wayuk ay sya namang paglaban at paghirap ng THV housemates para hindi malipat sa kabila ang 1 sa tatlo nilang napili. Nagkaron nga po ng instant Slater ang Team Wayuk ng walang ginawang paghihirap. Sa dami ng batikos sa napansing pagiging bias ni kuya ay hindi na nya napigilang magpa-interview kay Toni. Ngunit ang tanging ipinaliwanag lang nya ay ginagawa nya yon para subukan ang individual housemates at LIFE IS REALLY NOT FAIR daw. Pero ang tanong ng bayan na bakit hindi ipinapakita ang baho ng ilan at pinagtatakpan ay hindi nabigyang linaw. Pano nya masasabing sinusubukan ang individual kung hindi sya nagiging patas?

Nakalipas na nga ang ilang araw at heto, nagkaka-issue nanaman. Dahil sa pagpapabaya ng LAHAT ng housemates sa huling contra battle na Rat-a-Huli, ay nagkaron sila ng harapang nominasyon. Nakakainis lang kasi madaming nag-play safe na housemates. Kung sino pa ang mga totoong tao sa loob, sila ang nahuhusgahan agad-agad. Masasabi ko lang,, maraming nagmamahal sa 2 (Wendy at Deniesse) dahil sila yung tipo ng housemates na HINDI TAKOT MAHUSGAHAN NG TAO. Agree ako sa sinabi ni Joya kung gustong i-preserve yung team high voltage, okay lang na si Wendy ang i-out. pero kung iba-base mo sa nagawa at naipakita sa loob. Karapatdapat siya maging big 4.

Ang nakakatawa pa dito, naging SURVIVOR ang peg ng PBB. Harapan na nga ang nominasyon, tinanggalan pa nya ng karapatan ang taong bayan i-save ang housemates.Binigyan nya ng pagkakataong mapatunayan nina Wendy at Deniesse ang sarili nila. Ngunit ang mga tasks naman ay napaka-impossible talaga. Kayang gawin lahat kung my sapat na oras. Kitang kita naman na nagpursigi ang 2 para magtagumpay kahit na alam natin na impossible. Kahit din alam na nila na talo sila ay tinapos pden nila ang task. Binigyan nya lang ng chance pero hindi nya talaga gustong my mapatunayan.

Sa mgayon, madaming nagagalit dahil sa patuloy na pagiging bias ng show.


ANO NA BA NANGYAYARE SA PBB?

Photo by ABS-CBN and Pinoy Big Brother


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'PBB Unlimited' Magkakaroon ng Big Brother Swap?

Posted: 04 Feb 2012 04:01 AM PST


Marami ang nagtataka kung bakit naka suot ng mga damit pang winter ang mga Housemates ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' at kung bakit nag-aaral sila ng Spanish language?

Ang tsika kasi ay may gaganap "daw" na Big Swap or Big Brother Swap. Maaaring makikipagpalitan ng Housemate or Ex-Housemate sa bansang Spanish ang main language. Sa ngayon ang mga bansang Spain at Argentina lang may kasalukuyang umeereng 'Big Brother' na ang main language ay Spanish. Parehas na 'Gran Hermano' ang title ng Spanish and Argentine versions.

Kung totoo man ang tsika aba exciting yan!!! At sino kayang maswerteng Pinoy Housemate or Ex-Housemate ang ipapadala? :)

Narito ang mga gwapo at magagandang Housemates ng 'Gran Hermano' sa Spain just click here

Sila naman ang mga gwapo at magagandang Participantes ng 'Gran Hermano' sa Argentina just click here

hiperfama.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.