byxbuzz

Friday, February 3, 2012

byxbuzz


GMA Network May 9 Finalists sa 2012 New York Festivals

Posted: 03 Feb 2012 05:01 AM PST

Inilibas ngayon ang listahan ng mga Finalists sa 2012 New York Festivals TV & Film Awards at 16 sa mga ito ay nagmula sa Pilipinas.

Nanguna ang Kapuso network with 9 finalists, sumunod ang ABS-CBN with 5 finalists at 2 finalists naman sa bagong TV network na TV5. Narito ang listahan ng mga finalists ng Pilipinas (Thanks to Kapamilya Gold for this Photo)



Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Lyrics: 'Dahil Sa 'Yo' (EBoy OST) by Juris Fernandez

Posted: 03 Feb 2012 03:58 AM PST

Dahil Sa 'Yo
'EBoy' Official Theme Song
by Juris Fernandez

'Di ko inakalang darating ka sa buhay ko
At magbibigay saya sa natutulog kong mundo

'Di ko inakalang mabibigyan mo ako ng inspirasyon
para harapin ang bawat araw


Panalangin ko sa mga bituin
huwag kang lalayo sa akin
Harapin natin ang lungkot at saya

Dahil sa 'yo natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa 'yo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa 'yo may kaibigan ako na totoo
Dahil sa 'yo natutong magmahal ang puso ko

Minsan may mga bagay na mahirap intindihin
may mga tanong na kailangang sagutin
Lahat ng iyon hindi mo pinagkait sa akin

Panalangin ko sa mga bituin
huwag kang lalayo sa akin
Harapin natin ang lungkot at saya

Dahil sa 'yo natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa 'yo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa 'yo may kaibigan ako na totoo
Dahil sa 'yo natutong magmahal ang puso ko

Darating man ang araw na kailangan kong bumalik sa aking mundo
Isipin mong may kaibigan kang nagmamahal sa 'yo

Dahil sa 'yo natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa 'yo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa 'yo may kaibigan ako na totoo
Dahil sa 'yo natutong magmahal ang puso ko



Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

EBoy Chichirya Mabibili Na

Posted: 03 Feb 2012 03:45 AM PST



Kahit ilang araw pa lamang umeere ang robotserye ng Kapamilya network na 'EBoy' ay may mabibili ng EBoy Chichirya (not licensed by ABS-CBN Licensing) sa mga palengke at sari-sari store.

Patunay lamang na talaga ngang hit ang seryeng ito na pinagbibidahan ng Kapamilya Child Star na si Bugoy Carino. Kaya gabi-gabi nating subaybayan ang seryeng tio sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Source/Photos: Bugoy Carino's Fan Page


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Fantaseryeng 'Wako Wako' Papalit sa 'Maria la del Barrio' Ngayong Marso

Posted: 03 Feb 2012 03:33 AM PST


Ngayong araw nga ginaganap ang photo shoot ng bagong Kapamilya fantaserye na 'Wako Wako'. Noong January 22 nga ay ibinalita ko na pagbibidahan ito ng bagong Kapamilya Child Star na si Yogo Singh at Gladys Reyes (mababasa rito) at sa nagaganap na photo shoot ay na-reveal na ang mga iba pang artistang makakasama rito pati ang direktor na si Wenn Deramas.

Sa kauna-unahang pagkakataon pagkakataon magsasama sa isang teleserye sina Ai Ai delas Alas at Direk Wenn Deramas kaya for sure riot ito. Nagbabalik Kapamilya naman si Vandolph Quizon na isa rin sa cast ng fantaseryeng ito. Kasama din nila sina Maricar de Mesa, Malou de Guzman, Dennis Padilla, Carlos Agassi, Abby Bautista, Eagle Riggs, Franco Daza, at ang mga singers na sina Markki Stroem, Liezl Garcia. Gosh huwag kayo magugulat ha, kasama dito si DJ Durano!

Ayon sa tsika papalit ito sa time slot ng 'Maria la del Barrio' ngayong Marso.

Source: PEP.ph's scoopbox
Photo by TFC Godfather via Kapamilya Gold


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.