byxbuzz

Monday, March 26, 2012

byxbuzz


Angelo Patrimonio Kasali sa 'Amazing Race Philippines'

Posted: 26 Mar 2012 07:57 AM PDT


Matapos ngang sumali sa 'Pinoy Big Brother Unlimited' si Tin Patrimonio, isa na namang anak ni Alvin Patrimonio ang nakatakdang sumali sa reality show.

Ang guwapong anak na lalaki ni Kap. Alvin na si Angelo, na napapanood dati sa ABS-CBN, ay nakatakdang sumali sa 'The Amazing Race Philippines' ng TV5.

Sa ngayon ay di pa sure kung ang Tita niyang si Jeck Conwi o ang kapatid niyang si Clarice ang kanyang makakapartner.

Heto panoorin ninyo ang pagkumpirma ni Ms. Cindy (Angelo's Mom)



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'X Factor Philippines' May 3 Mentor Judges & Categories Lamang

Posted: 26 Mar 2012 07:00 AM PDT


Malapit na nga mag-umpisa ang main audition ng 'The X Factor Philippines' kung saan haharap ang mga nakapasang contestants sa mga mentor judges at sa live audience.

Sa ngayon nga ay kinumpirma na ng ABS-CBN na Mentor Judges sina Charice at Martin Nievera pero ayon sa aking chikang nakalap, (so far) ang unang season nito ay magkakaroon lamang ng 3 Mentor Judges.

Dahil may 3 Mentor Judges lamang ibig sabihin may 3 categories lamang for this season: Groups, Under 25s, and Over 25s. So di gaya ng napapanoood natin sa US version, ang mga lalake at babaeng contestant na nasa 25 edad pababa ay nasa isang category lamang.

Ang pagkakaroon lamang ng 3 categories ay nagawa na rin sa mga naunang seasons ng iba't-ibang versions ng 'The X Factor' sa iba't-ibang bansa gaya ng India at Australia.

'The X Factor Philippines' is hosted by KC Concepcion!

Photo via Wikipedia


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Aga Muhlach Lumipat na sa Ibang Manager?

Posted: 26 Mar 2012 06:37 AM PDT


Kumkalat ngayon sa showbiz ang balitang na di na si Ethel Ramos ang manager ng magaling na aktor na si Aga Muhlach at lumipat na raw ito sa ibang manager. Ang tinutukoy na bagong manager nito ay si Vic del Rosario ng Viva.

Kanina nga ay nakausap ng kolumnistang si Salve Asis si Vic del Rosario at dineny nito na siya na ang manager ni Aga na exclusive ito sa kanila pagdating sa pelikula. May mga transaction lang daw siya na ni-rerepresent ito.

Ayon sa kampo ni Ethel Ramos, wala na si Aga sa pangangalaga ni Ethel Ramos.

So sino na ang bagong manager ni Aga? Aba dapat natin agad malaman ito kasi dito nakasalalay ang ikakaunlad ng bansa natin hahaha!

Source: Salve Asis
Photo via ABS-CBN


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Mature Sound on Justin Bieber's New Song 'Boyfriend'

Posted: 26 Mar 2012 06:12 AM PDT


Justin Bieber is back! He releases today his latest single 'Boyfriend' from his upcoming new album 'Believe'. Like what he promised, it's a mature sound on his new song!

Where to purchase his latest digital single?



Listen to 'Boyfriend'!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Girlfriend ni AJ Perez na si Steph Ayson, Isa sa mga Possible Teen Housemates?

Posted: 26 Mar 2012 07:02 AM PDT


Dumating na nga ang takdang panahon para isa-isahin nating kilalanin ang mga "possible" Teen Housemates sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4.'

Ayon sa aking source, si Steph Ayson na girlfriend ng yumaong teen actor na si AJ Perez ay di umano'y isa sa mga possible teen housemates.

Dagdag pa ng aking source na ilang linggo pa lang daw nagsisimula ang 'PBB Unlimited' ay inimbitahan daw ito ng PBB na maging bahagi nga ng parating na Teen Edition. Siyempre di ito pumila sa mga auditions sa mall pero dadaan daw sa iba't-ibang screening.

Nang malaman ko ito, ang una ko agad naisip ay ang edad nito dahil hanggang 17 anyos lang ang pwede sumali. So almost 2 months ago, tinanong ko siya ng dalawang beses sa Twitter kung ilang taon na siya pero di ito sumagot. Ilang linggo after ng ikalawang tweet ko sa kanya, I asked my Twitter followers kung ano edad nito. Sumagot naman ang mga followers ko at lahat ng nag-replay ay 18 ang isinagot.

Kaya nang malaman ko na 18 na ito ay naisip ko na baka mali lang ang nabingwit na info ni source. Feeling ko rin kasi ay hinde mahilig sa kasikatan itong si Steph at di niya feel siguro ang sumali sa PBB. Pangatlo ko pang naisip ay di siguro papayag si Steph na sa ika-isang taon ng kamatayan ni AJ ay nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

Pero malay natin, gamitan ng magic sarap ang edad at gawing 17 years old ito, kung paano tanungin ninyo na lang ang JaMich. At saka bongga ang istorya ng kanyang buhay. If ever, siya ang kauna-unahang Teen Housemate na nawalan ng kasintahan sa murang edad.

Kung isa nga siya sa mga Teen Housemates ay iyan ang aabangan natin sa mga susunod na linggo.

Photo via QuotedNews.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.