byxbuzz

Sunday, March 25, 2012

byxbuzz


Sino ang BIG WINNER Mo sa 'PBB Unlimited'?

Posted: 25 Mar 2012 07:15 AM PDT


Sino sa 5 natitirang Housemates ang tingin mong lalabas sa simbolo ng araw at tatanghaling BIG WINNER ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na susunod sa yapak nina Nene Tamayo, Bea Saw, at Melai Cantiveros?

Si Slater ba ang magiging 1st rich & guy Big Winner sa regular season ng PBB?

O baka naman si Divine ang tanghaling 1st Lesbian Big Winner sa kasaysayan ng PBB?

Ang wild card housemate na si Paco ang maging 1st Wild Card Big Winner?

Si komikerang Pamu kaya ang magpatuloy ng big winner trend na di mayaman na babaeng Big Winner?

O baka maging charity case ang result at si Biggel ang maging 1st Big Winner sa regular season na nanalo dahil sa awa?

Ikaw sino Big Wnner mo?


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ex-Housemate Tin Patrimonio Nadaya Ayon sa Ina Nito

Posted: 25 Mar 2012 06:41 AM PDT


Ilang oras matapos mapalabas ng bahay ang latest evicted Housemate ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na si Tin Patrimonio, ay naglabas ng sama ng loob ang ina nito na si Mrs. Cindy Patrimonio sa kanyang twitter account.

Kung ako din ang nanay ni Tin eh ganun din siguro ang magiging reaction ko. Imagine, sa 5 beses nanominado si Tin ay 5 beses din itong nanguna sa botohan pero itong huling eviction nga ay biglang nangulelat as in napunta sa pang-anim na puwesto. Siguro mas matatanggap ko pa na pang-apat pero biglang mangulelat hala baka may Magic Sarap na nilagay sa pagluluto na yan ha.

Sinabi din nito sa producers ng PBB na feeling niya ay nadaya ang anak niya at naluto ang resulta at naniniwala din ito na imposible manalo ang YES votes para maging wild card housemate si Paco.

Eto mga tweets ni Mrs. Cindy Patrimonio!















Photo & source: @cindypatrimonio


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

VIDEO: Kim Chiu Muntik Madisgrasya sa 'ASAP 2012'

Posted: 25 Mar 2012 06:12 AM PDT


Awww! Kawawa naman si Primetime Princess Kim Chiu dahil natamaan ito ng paa ni Enchong Dee (@2:07) at muntik pa mauntog sa sahig (@ 2:20) kanina sa Supahdance segment sa 'ASAP 2012.'

In fairness kay Kim, bongga pa rin ang production number. Love her! Watch! (Thanks to June Pascual for the tip)



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Koreanovelang 'Dream High' Mapapanood na sa ABS-CBN Ngayong Summer!

Posted: 25 Mar 2012 05:46 AM PDT


Kapamilya, ano ba ang pinakamataas mo na dream?

Naitanong ko yan dahil may 6 students ng Kirin Art High School ang pinakamataas na dream nila na nais nilang abutin ay ang maging mga sikat na music stars sa South Korea.

Gusto mo din ba makilala ung sinu-sino ang anim na ito? Huwag ka mag-alala dahil malapit mo na silang makilala.

Ngayong summer na nga eere ang isa sa pinakamatagumpay ng Korea sa taong 2011 ang unang season ng 'Dream High'. Abangan ang seryeng ito ng puno ng pangarap sa ABS-CBN.

Photo by KBS2TV


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Dalawang Kapamilya Teleserye Magtatapos Ngayong Abril 2012!

Posted: 25 Mar 2012 05:29 AM PDT


Dalawang teleserye ng ABS-CBN ang magtatapos ngayong Abril!

Ang higanteng Primetime Korean drama series na 'City Hunter' ay nalalapit ng magpaalam. Abangan sa Primetime Bida kung ano ang mangyayari sa tinaguriang City Hunter na pinagbibidahan ng Korean super star na si Lee Min Ho.

Ilang taon ding naghintay ang ABS-CBN na magkaroon ng daytime teleserye na kakabugin ang katapat na programa (teleserye) sa ratings game salamat sa 'Angelito, Batang Ama.'

Isang napapanahong seryeng itong 'Angelito, Batang Ama' na tumatalakay sa pinagdadaanan ng isang binata na naging ama agad sa murang edad. Kaya naman laking tuwang pasasalamat ng napakagaling na bida nito na si JM de Guzman sa mainit na pagtanggap ng taong bayan.

Abangan ang nalalabing mga Linggo ng 'Angelito, Batang Ama' sa Kapamilya Gold!

Photo by SBS


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Bagong Teleserye ni Jake Cuenca na 'Kung Ako'y Iiwan Mo' Eere sa Kapamilya Gold

Posted: 25 Mar 2012 05:12 AM PDT


Pinagkagastusan ng husto ng ABS-CBN ang bago nilang teleseryeng 'Kung Ako'y Iiwan Mo' dahil tumungo pa sila talaga ng Doha para lang maging makatotohanan ang istorya.

Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Shaina Magdayao, at Bangs Garcia.

Inaalay din nila ang seryeng ito sa mga kababyan nating OFW na walang kapagurang nagtatrabaho sa ibang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga Kapamilya nila dito sa Pilipinas.

Sa mga nag-aabang nito sa Primetime Bida, sorry pero kahit super bongga nito ay si Kapamilya Gold ito mapapanood!

Abangan ang 'Kung Ako'y Iiwan Mo' ngayong Abril!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Housemate Tin Evicted Na! Ano Masasabi Ninyo?

Posted: 25 Mar 2012 04:57 AM PDT


Sa lahat ng eviction 'Pinoy Big Brother Unlimited' nangunguna parati si Tin Patrimonio sa tuwing ito ay manonominado pero isang linggo bago ang Big Night at the Grandstand ay na-evict na nga ito.

Nangungulelat si Tin sa naganap na 24-hour voting kung saan isang beses lang puwede bumoto ang isang SIM.

Ano masasabi ninyo sa isa sa pinakashocking na resulta ng eviction sa kasaysayan ng 'Pinoy Big Brother'?

Oh well, congrats Slater, Divine, Paco, Pamu, & Biggel!

Photo by @cindypatrimonio


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'Titanic (3D)' Mapapanood na sa April 7 Pero Walang IMAX Screening sa Pilipinas

Posted: 25 Mar 2012 04:57 AM PDT


Sa ika-100 anibersaryo ng RMS Titanic mula ng lumubog ito noong April 2012, muling mapapanood sa mga sinehan ang 1997 film na 'Titanic' but this time exclusive lang ito sa 3D cinemas.

Ang 'Titanic in 3D' ay mapapanodd sa US sa April 4, 2012 pero dahil natapat ito sa Holy Week, mapapanood ito sa Pilipinas sa April 7. Malungkot nga lang dahil gaya ng 'The Hunger Games' ay di ito mapapanood sa mga IMAX 3D cinemas sa Pinas.

Ang 'Titanic in 3D' pinagbibidahan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet at mula sa direksiyon ni James Cameron.

Masasabing ito ang pinakamatagumpay na pelikula sa kasaysayan matapos nitong magkamit ng napakaraming awards at tanghaling 2nd highest grossing film of all time.

Muling damhin ang epic love story nina Jack at Rose ngayong April 7 na!



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Super Sexy Bianca Gonzalez For Esquire Philippines' Fun Issue

Posted: 24 Mar 2012 07:55 AM PDT

OMG as in OMG! Bianca Gonzalez for Esquire Philippines' fun issue and boy she is hot!!!

She is soooo beautiful, sexy, I mean she is a WOW! Love her.

I'm a bisexual guy but man I'm becoming straight! Congrats Esquire Philippines!



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'Temple Run' Will Be Available on Android Devices on March 27

Posted: 24 Mar 2012 07:35 AM PDT


Imangi Studios announced, the hit iOS game Application 'Temple Run' is coming to all Android devices starting March 27, 2012.

The said app will be free to download from the Android Market.
From TriplePoint Newsroom:

"We are excited to finally share the Android release date with our fans who have been so enthusiastic and supportive of Temple Run," said Keith Shepherd, co-founder of Imangi Studios. "By expanding to more mobile devices, we hope to provide the same addictive and fast-paced gameplay to an entirely new group of players."

Photo via newsroster.net
Source: TriplePoint Newsroom


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

ABS-CBN, Ready na sa Digital TV!

Posted: 24 Mar 2012 07:24 AM PDT


Handang-handa na nga ang Kapamilya network sa malaking pagbabago sa mundo ng telebisyon at eto ay ang paglipat sa Digital TV (broadcast).

Kapag mayroon ng go signal mula sa gobyerno ay mabibili na ng ating mga kababayan ang TV+ (ABS-CBN Digibox) na kasing presyo ng mga DVD players.

Gamit ang TV+ Digibox ay mas malinaw natin mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN, NBN at Gem plus mayroon pang 5 additional channels like Myx, ANC, and Yey na isang channel para sa mga bata.

Sa mga darating na taon ay lahat na ng TV networks ay magsi-shift na rin sa Digital TV. Habang nasa analog broadcast pa rin ang GMA at TV5 ay mapapanood ninyo pa rin ang mga programa nila yun nga lang di kasing linaw at klaro ng ABS-CBN DTV, NBN HD at Gem HD!

Panoorin ang video na ito para maipaliwanag nang husto kung ano ang Digital TV at kung bakit kailangan natin lumipat rito!



Photo by ABS-CBN Digital TV


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.