byxbuzz

Sunday, March 11, 2012

byxbuzz


BB Gandanghari Balik Pinas, Magsasalita Tungkol sa Nakarelasyong Hunk Actor

Posted: 11 Mar 2012 06:08 AM PDT


Balik Pilipinas si BB Gandanghari matapos di umanong pilitin sya ng TV5 na umuwi.

Nagdesisyon si BB na umuwi matapos pumayag ang TV5 sa mga demands niya. Kontrata at TV show ang naging mga demands di umano nito at pumayag na rin itong magpa-interview kay Zoren Legazpi, na asawa ng dati niyang asawang si Carmina Villarroel.

Aabangan din daw sa interview niya sa 'Paparazzi' ang pagsasalita niya tungkol sa hunk actor na nakarelasyon niya dati. At ayon sa kumakalat na balita, 1 Million daw ang naging demand ni BB sa interview na ito. Naku kilalang-kilala daw natin ang nasabing Hunk Actor na nakarelasyon niya nga raw ni BB. Haba ng buhok ni BB!

Balita ko rin di raw makatingin sa b*obs ni BB ang kanyang kapatid na si Robin Padilla. Naiilang daw ito tumingin sa dati niyang Kuya Rustom Padilla.

Source: Pilipino Star Nagyon
Photo via bbgandanghari.blogspot.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ex-Housemate Kevin Nadaya sa Botohan?

Posted: 11 Mar 2012 05:38 AM PDT


Si Kevin nga nag latest na napalabas sa Bahay ni Kuya sa pamamagitan ng botohan ng taong bayan. Pero sigaw ng supporters at fans niya: nadaya si Kevin.

Matatandaang noongh March 7 ay napost ko rito ang hinaing ng mga fans ni Kevin na di umano'y di pumapasok ang boto nila kahit na nababawasan sila ng load (mababasa rito. At kahapon naman ay pinost ko ang isang video na nagpapakita ng pagboto kay Kevin pero walang natatanggap na confirmation message (mapapanood naman rito)

Kayo, sa tingin ninyo ba nakaaapekto sa bilang ng boto ni Kevin ang mga botong di umano'y di nakapasok lalo pa at one vote per sim na lang. Inaamin ko naman na di ako fan ni Kevin pero sana maging patas lang if ever, pinagpaguran din naman yung perang ginagamit para lang makaboto.

Photo via @KevAndrewFowler


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Bakit PATAS ang Wild Card Twist ng 'PBB Unlimited'?

Posted: 11 Mar 2012 04:58 AM PDT


Noong March 3 pinost ko sa blog ang isang entry na nagtatanong kuyng dapat bang maging official Housemate ulit si House Player Paco (mababasa rito).

At kagabi nga sa live eviction episode ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na may isang Housemate ang bibigyan ng Second Chance.

Marami ang nagagalt sa twist na ito ni Chaka Khan este ni Big Brother pero para sa akin patas naman ito kasi nagawa ito sa mga naunang seasons ng PBB. Ilang Housemates na nga dati ang nagbalik-bahay, andyan sina Jenny (PBB1), Wendy & Kian (PBB2) & Gab (PBB Celebrity Edition 2).

Para sa akin patas ito dahil alam ninyo ba na ayon sa Big Brother rule ang sino mang Housemate ang na-evict o nag-quit at nagbabalik-bahay at maging Big Winner (o Big 4) ay di na niya makukuha ng buo ang kan yang premyong napalunan.

So kunwari mayroong 100 days ang isang season, at kunwari si Wild Card Housemate ay nanatili sa bahay sa loob ng 60 days, ibig sabihin 60% lang ng premyo niya ang makukuha niya (all prizes are converted into cash). So di ba patas yun?

Gaya ng palagi kong tinutweet (mula pa noong magkaroon ng Yes/No voting) at sinusulat ko sa blog ay sa tingin si Paco ang bibigyan ng second chance. Remember ang premyong 30,000 Pesos ay para lamang sa una niyang linggo bilang House Player at wala ng sinabi kung ano ang magiging premyo niya after magdesisyon kuno ang taong bayan na manatili syang House Player. So baka premyo ito ni Paco dahil sa pagtatagumpay bilang House Player.

Nakakainis man ang nagawa niya ang punto doon ay nagawa at nalaro niya maigi ang pagiging House Player at Housemate niya kaya may K naman siya maging official housemate ulit at saka di pa siya nakakabalik sa outside world. Yun nga lang alam niya kung sinu-sino ang mga nagnomina sa kanya.

Mag-big jump kaya siya sa BIG 4? yan ang dapat abangan!

Photo by @TropangPacoKSA


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.