byxbuzz

Sunday, February 26, 2012

byxbuzz


Housemate Pamu Nakagawa ng Violations, Maparusahan Kaya?

Posted: 26 Feb 2012 04:37 AM PST


Bago pa napatawan ng Forced Eviction, nadaya este napalabas ng Bahy ni Kuya si Deniesse ay may isa na namang Housemate ang nakagawa ng violation at ito ay si Pamu.

Kitang-kita sa recorded live stream na ito ang pagsasalita ni Pamu sa ilalim ng comforter which is bawal sa Big Brother rule.



Hinde lang yan. Ilang sandali matapos tuluyan nang nadaya este napaalis na ng Bahy ni Kuya si Deniesse ay nakagawa muli ng kasalanan si Maria Clara nang sabihin nito kay Kevin ang nangyari sa kanila ng dati niyang boyfriend na si Renz nang pumasok ito sa Bahay ni Kuya. Mapapanood savideo sa ibaba na pinagbawalan pa siya ng kanyang new inspiration na si Kevin na baka mapatawan siya ng foreced eviction sa pagkukuwento nito.

Oh ayan ha may mga ebidensiya tayong video na muli na naman nating pinapapamukha sa mga chakang sekretarya ni Kuya. Kahit na love ko si Deniesse, matatandaang tinuweet sa isa sa mga sekretarya na si Jerome (@JCSVargas) ang mga videos ni Den pero sinabi nito na parang masyadong ssuming daw ang mga fans hinde lang daw nadinig nagsalita eh violation na, baka naman daw may audio problem lang sa live stream. Pero kagabi nga ay napatunayan na violation ang nagawa ni Deniesse at mali ang tinuweet ni Jerome.

May isang fan ang nagtweet sa kanya ng na-tweet nito dati tungkol sa violation aba bigla ba namang ni-reply nito na hinde daw kay Deniesse ang tinutukoy niya, eh hello yung tweet mo na yun ay reply mo nga doon sa nagtweet ng video. Napaghahalata. Kaloka ka teh!

Gaya din ng dati, maparausahan kaya si Pamu sa mga violations na ito, gaya ng maraming Housemates na nakagawa ng violations pero di naparusahan (kahit na may mga ebidensiyang videos). If ever maparusahan siya, bagay ang automatic nomination. Eto watch ninyo!



Photo by adezlaide


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.