byxbuzz

Friday, February 24, 2012

byxbuzz


Housemate Deniesse Napatawan ng Forced Eviction?

Posted: 24 Feb 2012 05:51 AM PST


Maraming ang nagulat sa episode kagabi ng 'Pinoy Big Brother UnliNight' nang biglang ipatigil ang botohan.

Ayon sa chika, si Deniesse, na nominado, ang napatawan ng forced eviction dahil daw sa pagtatanong nito sa Houseguest na si Melai tungkol sa outside world at kung ano ang image niya sa labas.

Grabe naman ang parusa sa kaniya di ba dapat Automatic Nomination muna ang parusa sa kanya (if ever mapasa siya sa botohan) eh di naman siya madalas makagawa ng violations.

Yung iba nga diyan sinasampal na natin ang mga ebidensiyang video sa mga chakang mukhang mga sekretarya ni Kuya pero di naman napaparusahan. Di Patas!

Sana di totoo ang chika kay Deniesse. Eto videos:





Photo by Deniesse


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

VIDEO: Pag-amin ni Housemate Pamu Na Hiwalay Na Sila Ng Boyfriend Niya

Posted: 24 Feb 2012 03:06 AM PST


Awwww eto na yung videos ng pag-amin ni pamu na hiwalay na sila ng kanyang dating boyfriend na si Rhenz... Patunay ng malalim niyang nararamdaman kay Kevin.

Naaalala ko yung mga sinasabi ni Pamu kay Wendy dati dahil sa pagiging close ni Wendy kay Carlo, pero tingnan mo ngayon ang nangyari... Di ko naman masisi si Pamu dahil guwapo naman itong si Kevin eh mahilig pala talaga siya sa gwapo... may hitsura naman si Rhenz at cute naman si Seiichi pero si Kevin ay guwapo... No to holding hands dahil may boyfriend daw oh...



Oh eto pa hahaha... Kiligin na kayo mga Mare at Pare!!! Hahaha! Ano natutunan ko sa mga pangyayaring ito? Kaya ni Big Brother ituwid ang baluktot na tinidor dahil may mga kamay at malakas siya... Hahaha!

Isa ko pang natutunan na iba talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig!!!









Photo via sevenspots.blogspot.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Trailer ng 'Corazon: Ang Unang Aswang' Mapapanood na sa February 26, 9PM

Posted: 23 Feb 2012 06:44 PM PST



Minsan ko ng na i-tweet ang "02.26.2012 9PM" at marami ang nagtatanong kung ano ito.

Sa nasabing petsa at oras na iyan ay nakatakdang magparamdam ang isang babae na may pangalang Corazon.

Sa Linggo, February 26, 2012, 9PM, within 'Sarah G. Live' ay mapapanood na ang trailer ng latest horror flm ng Star Cinema ang 'Corazon: Ang Unang Aswang' na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Erich Gonzales. Nakatakda itong ipalabaa sa March 14.

Photo by ABS-CBN.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Boy Band na A1 Live Mamaya sa 'It's Showtime'

Posted: 24 Feb 2012 02:35 AM PST


Gosh bumabalik ang Grade School at High School days ko nang magbalik ang pinakapaborito kong European boy band na A1 sa Pilipinas.

Huli silang dumalaw sa bansa mga sampung taon na nga ang nakakaraan.

Fan na fan talaga ako ng A1 kaya laking tuwa ko na nagbalik Pilipinas nga sila at mapapanood ko sila sa concert sa Sabado.

Mamaya manonood ako ng 'It's Showtime' dahil live guest ang mga miyembro ng A1 na sina Ben, Mark at Christian kaya dapat nating tutukan yan.

Photo via Wikipedia.org


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.