byxbuzz

Tuesday, February 21, 2012

byxbuzz


Grace Lee Pinatanggal si Angelicopter sa Radio Show na 'Good Times'

Posted: 21 Feb 2012 04:14 AM PST



Tanggal na sa radio show ng Magic 89.9 na 'Good Times' si Angelicopter. Ito ang naging pag-amin nito sa PEP.ph

Dagdag pa ni Angelicopter, ang kasamahan daw niya sa show na si Grace Lee ang nagpatanggal sa kanya matapos magkaroon sila ng di pagkaka-unawaan na nagsimula nang minsang magsabay ang kanilang mga naimbitihang guests.

Ginawa daw niya ang lahat ng paraan para maayos nila ang gusot pero ayaw daw ni Grace. Minsan daw ay nagwuwalk-out si Grace kapag pumapasok siya.

Mas pinili daw ng management ng Magic si Grace dahil mas matagal na daw ito nagtatrabaho sa kanila.

Mapakla ang ampalayang kinakain ko ngayon.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Housemate Tin Patrimonio Nagalit Kay Paco

Posted: 21 Feb 2012 02:16 AM PST


Bilang Houseplayer, kailangan ni Paco i-test ang mga nominadong sina Deniesse, Tin, Seiichi at Carlo para lumabas ang mga tunay nitong ugali.

May gender task nga sila at unang nasampolan ni Paco ay sina Tin at Deniesse. Sobrang nairita na si Tin kaya nagalit na ito ng bongga kay Paco.

Abangan ang buong detalye sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'. Narito ang nasabing eksena



Photo by Tin Patrimonio's Twitter


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ang Bonggang Music Video ng Choose Philippines Featuring El Gamma Penumbra

Posted: 20 Feb 2012 06:11 PM PST


Ang bongga at napaka-artistic ng bagong Music Video ng 'Piliin mo ang Pilipinas' na theme song ng Choose Philippines at pinerform nina Angeline Quinto at Vince Bueno.

Sa bagong music video ay bida ang 'Pilipinas Got Talent 3' finalist El Gamma Penumbra. Sa pamamagitan ng kanilang talento at pagigibg malikhain ay naipakita nila ang kaugaliang Pinoy at magagandang lugar sa ating bansa.

Bongga talaga ng El Gamma Penumbra dapat talaga sila ang nanalo at hinde yung Maasinghot este Maasinghon Trio. Naglaho na parang bula ang 3 itlog na yan pero ang El Gamma Penumbra ay naapanood pa rin.



Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.