byxbuzz

Thursday, February 16, 2012

byxbuzz


Gerald Anderson Umaming Nag-Group Date Sila ni Sarah Geronimo Noong Valentine's Day

Posted: 16 Feb 2012 04:57 AM PST

OMG!!! Noong araw pala ng mga puso ay lumabas sila Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Ito ang pag-amin ni Gerald sa naganap na presscon ng Mint Clothing kung saan siya ang bagong endorser ng summer collection nito:

"Magkasama kami pero group date. Nag-KTV kami. It was a great fun night."

WOW naman diyan, I'm sure super kilig ang mga Sasa-Gege fans.

Naku ha super hot ngayon ni Papa Ge dahil sa pagiging hit ng kanyang advocacy-seryeng 'Budoy' kung saan nagpapakita siya ng kanyang husay sa pag-arte. Naikwento rin ni Papa Ge na sa Angeles City, Pampanga ginanap ang pictorial ng kanyang bagong Mint Clothing endorsement. Bongga! Pak! Panalo!

Source: Mina


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Big Brother Di Patas ang Trato sa mga Love Teams?

Posted: 16 Feb 2012 03:52 AM PST


Hinde naman ako galit kina Housemates Pamu at Kevin o ang tambalang MuVin pero gaya ng ibang manonood nakadarama ako ng pagigiging unfair o di patas ni Big Brother (pamunuan ng 'Pinoy Big brother Unlimited') sa mga love teams.

Natatandaan ninyo pa ba nang maging close sila Seiichi at Pamu? Pero ano ang ginawa ni Kuya? Pinaliwanag niya kay Seiichi di niya pwede ligawan si Pamu dahil may boyfriend ito sa labas. Di ba nga kinuha pa ni Big brother ang reaction ng boyfriend ni Pamu sa pagiging close nila Pamu at Seiichi? May nalalaman pa nga silang concern sila kuno sa feelings ng boyfriend ni Pamu pero iba ang trato ngayon ni Big brother sa pagiging close nila Kevin at Pamu?

Remember nang maganap ng premiere night ng 'My Cactus Heart' sa Bahay ni Kuya? Di ba nga si Wendy dapat ang nanalo ng date pero ano nangyari sinabihan ni Big brother si Wendy na ibigay na lang sa iba ang date dahil may boyfriend ito sa labas at masama daw tingnan na nakikipagdate ang babaeng may boyfriend sa ibang lalake. Ang ending si Pamu ang nagkaroon ng date kahit may boyfriend ito sa labas.

Wala namang masama sa love team, eh kung iyon ang tinitibok ng mga puso eh bakit natin hahadlangan, ang sa amin lang eh sana tamang exposure, tamang rules at tamang trato sa mga nagiging love teams.

Parang mga rules na na-violate pero hinde naman napaparusahan ang nagkakasalang Housemates. Halos lahat ng viewers ay ito ang nadarama!!!

Photo by ABS-CBN, Endemol and PinoyBigBrother.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'Game of Thrones (Season 2)' Teaser Poster

Posted: 16 Feb 2012 03:58 AM PST

Here's the teaser poster for the 2nd season of medieval fantasy series 'Game of Thrones' which will premiere in the US on April 1st.


Photo by HBO


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.