byxbuzz

Monday, February 6, 2012

byxbuzz


Toni Gonzaga Mapapanood sa Special Episodes ng 'Wansapanataym'

Posted: 06 Feb 2012 04:28 AM PST


Maraming fans ni Toni Gonzaga ang nalulungkot dahil hind na nila mapapanood araw-araw ang kanilang idol sa 'Happy Yipee Yehey!' na nagpaalam na sa ere noong Sabado. Huwag kayo mag-alala dahil mapapanood ninyo siya sa 4-episode special ng 'Wansapanataym' na kinumpirma na ng unit ni Deo Endrinal.

So sa mga fans niya dapat ninyo yan abangan!

Photo via facebook.com/ToniGonzagaOfficialFanpage


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Dara Park Gusto Mag-Guest sa 'It's Showtime'

Posted: 06 Feb 2012 04:10 AM PST


Awwwww! Nakakatuwa itong si Dara or Sandara Park kahit na member siya ng 2NE1 at isa ng Asian sensation eh hinde pa rin siya nakalimot bumisita at magpasalamat sa dati niyang tahanan dito sa Pilipinas.

Habang nagbabakasyon ang kanyang grupong 2NE1 dito sa Pilipinas ay nagpunta si Dara sa ABS-CBN para dumalaw sa dati niyang tahanan, makita muli ang mga kaibigan at katrbahao niya at para magbigay galang sa dati niyang mentor na si Mr. Johnny Manahan.

Habang nasa ABS-CBN ay nasabi niya na gusto niyang maging guest sa programang 'It's Showtime', na nagkaroon ng kick-off party kahapon, sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sikat na ang grupong 2NE1 nang magsimula ang 'Showtime' noong 2009 at never pa siya nakabisita rito.

Photo by Gretchen Fullido


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

VIDEO: Mga Tao sa Cebu Nag-Panic sa Tsunami Warning

Posted: 06 Feb 2012 03:53 AM PST


Kaninang umaga, ilang minuto bago mag-alas dose isang magnitudse 6.9 na lindol ang naramdaman sa parteng Visayas at nag-dulot ito ng takot sa mga taong nakatira doon. Nakakalungkot dahil may isa pa ring bata ang nawalan ng buhay dahil sa lindol na ito.

Ilang minuto pagkatapos mangyari ang lindol ay may nabalitaan ang ilan ng tsunami warning daw sa mga coastal areas sa Visayas at dahil sa sobrang takot na baka matulad ito sa bansang Japan ay nag-panic ang mga tao. May isang Cebuano ang nakuhanan ang pagpapanic ng mga tao sa isang kalye sa Cebu, eto panoorin ninyo



Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.