byxbuzz

Thursday, February 2, 2012

byxbuzz


Gretchen Barretto Kasama na sa Teleseryeng 'You're Always in My Heart

Posted: 02 Feb 2012 05:15 AM PST



So ang Princess-serye ng Star Creatives na 'You're Always in My Heart' ang bagong TV show ni Gretchen Barretto na binalita ko noong isang na mababasa rito.

Di gaya ng 'Magkaribal' na heavy drama, ang bago niyang serye ay isang romantic comedy na tungkol sa isang Asian Princess na gagampanan ni Kathryn Bernardo. Makakasama din nila sa nasabing serye sina Khalil Ramos, Daniel Padilla, Enrique Gil at Albert Martinez mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Dado Lumibao.

Kaninang hapon ay naganap ang look test ng ilan sa mga bida (makikita sa itaas ang magiging look ni Kathryn) at gaya ng nauna ko ng naibalita, ang ilang eksena ay kukuhanan sa bansang Bhutan! Watch the teaser here

Photo via You're Always In My Heart Fan Page and proKATHNIEL


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ang Bagong Studio ng 'It's Showtime'

Posted: 02 Feb 2012 04:43 AM PST

Marami ang nagtatanong kung bakit napunta sa Dolphy Theater (Studio 1) ng ABS-CBN ang programang 'Happy Yippe Yehey!' iyan ay dahil ang studio 3 na dati nilang ginagamit ay inaayos para sa bagong noontime show na 'It's Showtime'

Pina-blessing ang bagong studio ng Showtime barkada para mawala ang kamalasan ng studio 3 na tinirhan ng 'Wowowee', 'Pilipinas Win na Win' at 'Happy Yipee Yehey!

Abangan sa Lunes, February 6 ang bagong noontime variety show ng Kapamilya at ang bonggang bagong Studio 3


Photo by ABS-CBN


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Teleseryeng 'Kailangan Ko'y Ikaw' Pagbibidahan nina Kris Aquino, Robin Padilla, Anne Curtis & Xyriel Manabat

Posted: 02 Feb 2012 03:56 AM PST


Ngayong gabi nga ginaganap ang story conference ng bagong teleserye ng ABS-CBN na dapat abangan sa Primetime Bida ngayong 2012 ang 'Kailangan Ko'y Ikaw'.

Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Kris Aquino, Robin Padilla, Anne Curtis at Xyriel Manabat. Di ko lang alam kung hango ito sa hit movie dati ni Robin Padilla na 'Kailangan Ko'y Ikaw' ng Viva Films kung saan nakatambal niya si Regine Velasquez. Ang alam ko ay tinutupad ni Kris ang pangako niya na ngayong taon ay isa ayng aktres at producer.

Oh siya abangan na lang natin ang 'Kailangan Ko'y Ikaw', na mula sa direksyon ni Malu Sevilla, sa mga susunod na buwan.

Photo by Mader Bibs


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.