byxbuzz

Tuesday, December 27, 2011

byxbuzz


Ina ni Housemate Biggel Pineperahan ang Tatay Ni Biggel

Posted: 27 Dec 2011 06:00 AM PST



Ang aking source ay binigyan ako ng tip tungko sa tunay na pagkatao ni Biggel na isa sa mga Housemates ng 'Pinoy Big Brother UnliNight'. At ito ang unang bahagi ng aking ulat, abangan sa mga susunod na araw ang iba pang bahagi. Narito ang isang dokumento just click here.

Ayon sa aking source:

Dokumentong magpapatunay na ang kwentong tunay na buhay ni Biggel tungkol sa kanyang ama ay kas*nung*lingan na hanggang ngayon ay paulit-ulit niyang ginagawa, lalo na ang tungkol sa tinutukoy na tatay nya. Ginawa ni Mr. Biggell (Father) ang lahat upang maibalik siya (Housemate) sa Manila ngunit nabigo itong maibigay kay Biggel (Housemate) ang maayos na buhay kapalit ng personal na interest ng mga taong nag palaki sa kanya.

Ganun pa man nakakuha na ng sapat na halaga ang ina kay Mr. Biggel. Perang pinagawang bahay upang may maayos matirahan ang mga anak niya at pambili ng bangkang panghanapbuhay para kay Biggel. Si Mr. Biggel ay HINDI naging bay*lente or naging agresibo sa kanya mula noon hangang sa ilang buwan lamang nakaraan ng huli silang magkita (bago mag PBB). Ang katotohanan na si Mr. Biggel ay biktima ng kaliwa't kanan na har*ssm**t mula sa s*nung*ling at mapangabusong ina ni biggel kasama na ng ilang kamag anak nya.

Abangan ang iba pang nakalap kong dokumento at ebidensiya mula sa aking source sa mga susunod na araw.

Inuulit ko ang mga impormasyon aking natanggap ay mula sa aking source at hinde sa akin. Salamat sa aking source na tunay na nagmamahal sa pamilya ng Daddy ni Biggel.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ang Malaking Pagbabago sa 'Kapamilya, Deal or No Deal'

Posted: 27 Dec 2011 05:37 AM PST


Magbabalik na nga ang world's most popular at most-expanded game show sa Pilipinas ang 'Kapamilya, Deal or No Deal' pero may malaking pagbabagong magaganap sa season 4 nito.

Ayon sa tsika gagayahin nito ang ilang European versions (ito rin ang bagong format ng US version), na kung saan instead of 26 briefcases (boxes) eh 22 na lamang. At sa bawat episode ay mayroong 22 contestants na kasali at sila rin ang may hawak ng briefcases. Sa 22 contestants, isa lang ang pipiliin (o pinili) ng producer na siyang magiging player.

Sa ngayon wala pa rin akong idea kung magbabalik si Ms. Kris Aquino bilang host nito since sinasabi niya na ang 2012 ay ang taon niya para maging Aktres at Producer at saka may daily talk show pa siya, maliban lang kung matsugi ang 'Kris TV'.

Di ko rin alam kung ano ang magiging timeslot nito. Basta ako excited na ulit sumagot sa nag-iisang katanungan na 'Kapamilya, Deal or No Deal' sa 2012 na yan!

Photo via TV Crunch


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Mga Kapuso Nagpaalam na kay Iza Calzado

Posted: 27 Dec 2011 05:18 AM PST

Lalo pang lumalakas pa ang balitang paglipat ni Iza Calzado sa ABS-CBN. Balita pa nga na ang ilan sa mga Kapuso na naging malapit sa kanya ay nagpaalam na sa kanyang pag-alis sa GMA, isa na nga rito ay ang 'Encantadia' Director na si Mark Reyes. Narito ang naging tweet niya:


Masayang masaya for sure ang kaibigan niyang si Karylle, na dating Kapuso at nakasama niya sa ilang GMA shows. Bali-balitang makakasama ni Iza si John Lloyd Cruz sa paglipat niya sa ABS-CBN.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Direk Lauren Dyogi Muntik ng Iwanan ang ABS-CBN!

Posted: 27 Dec 2011 05:06 AM PST


Muntik palang iwanan ng Business Unit Head ng mga TV shows na 'Junior Master Chef Pinoy Edition', 'Pinoy Big Brother Unlimited' at 'Angelito: Ang Batang Ama' na si Direk Laurenti Dyogi ang Kapamilya network.

Ayon sa kanya nagdalawang isip siya kung mananatili siya sa ABS-CBN o pipiliin niya ang isang bagong pinto ng oportunidad. , pero mas pinili daw niya maging loyal sa ABS-CBN. Narito ang kanyang mga naging tweets:

I realized I also have great mentors in my bosses n colleagues in ABS...lost sight of that for awhile...am really blessed...

Went thru tough choices as well this year...new opportunity vs loyalty...set sail or stay put...

I realized...ang tahanan kahit butas butas will always be your home...I'd rather help fix n rebuild it than move to a different house...

I have decided to value my loyalty...mentoring...relationships...I will set sail n explore new territories with people who nurtured me...

Ang mga magulang ko sa trabaho will always be my parents...sometimes feeling ko di ako pansin or di ako important...pero di pala!

Will stop dwelling on negative feelings n avoid negative people...will focus on moving forward...parang kabayong may blinders lang hehe!

Photo via ABS-CBN.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Film Review: Pelikula ni Juday, Pinaka-CHAKA sa MMFF 2011

Posted: 27 Dec 2011 04:52 AM PST


Super disappointed ako sa pelikulang 'My House Husband (Ikaw Na)' dahil isang malaking chaka at corny ang pelikulang ito gaya ng title nito.

Gamit na gamit na ang story ng pelikula, napaka-predictable, kaya mong isipin sa loob ng ilang minuto ang kabuuan ng story nito. May mga eksenang na ang intensyon ay patawanin ka at ibuka ng bongga ang iyong bibig, pero hinde eh, isang malaking sablay ang intensyon nilang pagpapatawa.

Nakakadismaya rin ang performances ng mga bida nito na sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo at Eugene Domingo. Wala akong nakitang bago kay Eugene dito, napaka-predictable ng naging atake niya. Super corny naman ng performance ni Ryan, hinde realistic, super baduy, sorry ha, pero yun ang totoo eh. Laki ng expectations ko kay Juday dahil comeback movie niya ito, pero alam ninyo yun, nawala ang kanyang brilyo sa pag-arte and again predictable. Sa totoo lang mas bongga pa yung performance ni Bangs Garcia sa pelikulang 'Segunda Mano' kaysa kina Juday, Ryan at Eugene.

Kung fans kayo ni Juday eh I'm sure matutuwa kayo. Pero kung hanap ninyo ay quality movie, sorry pero di ko ito marerekomenda. Pero may mga aral kayong matutunan sa pelikulang ito lalo sa mga mag-aasawa pero yung aral na iyon ay common sense lang.

Sa totoo lang mas bonggels pa ang pelikulang 'Yesterday, Today and Tomorrow' kahit super predictable at super nakakaantok eh mas naaliw pa ako rito dahil na rin sa performance ni Ms. Maricel Soriano. Para sa iba maganda ang pelikulang 'My House Husband (Ikaw Na)' pero para sa akin ito ang pinakachaka sa MMFF 2011.

Photo by OctoArts


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Film Review: Ang Sablay na Istorya ng 'Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga'

Posted: 27 Dec 2011 04:33 AM PST


After ng matagal na panahon, ngayon na lang ulit ako nakapanood ng isang Pinoy Action Film, at salamat sa 'Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga' na sinusubukang ibalik ang mga Pinoy action films.

Isang moderno at bagong Pinoy action film na puno ng sining ang aking nakita sa pelikulang ito. Maganda ang hangarin ng pelikulang ito, ngunit ang mga butas sa istorya nito ang nakasaira sa pelikulang ito.

Ang story ng pelikulang ay umikot sa gangster na si Asiong Salonga (George Estregan Jr.) na maikukumpara natin sa character ni Robin Hood. Sa loob lamang ng 2 oras ay ipinakita ang 5 taon sa buhay ni Asiong at doon nagkaroon ng mga butas, maraming eksena na kailangan sa istorya ang di naipakita. Malabo ang paraan ng pagkukuwento ng pelikula, naiwan ang mga manonood sa maraming katanungan. Halimbawa ang pagbubuntis ni Fidela, pinakita siyang buntis pero di na pinakita kung nanganak ba siya o hinde. Hinde maganda ang pagkakadugtong ng istorya nito.

Okay ang naging performance ni George Estregan bilang Asiong, hinde niya naipakita sa manonood kung ano nga ba ang isang maton, sanggano.. pinakita lang niya na isa siyang lalakeng marunong lumaban. Para sa akin, mas nalamangan siya ni Dingdong Dantes ('Segunda Mano') para sa labanan sa pagka-Best Actor ng MMFF 2011. Pasalamat siya at magagaling ang mga kasamahan niyqang artista, hinde patapon mga performances nila.

Bongga pa rin sa aking ang pelikulang ito dahil napakaganda ng presentasyon, yun nga lang sablay sa storytelling.

Photo by Viva Films


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Pelikulang 'Panday 2' Ginaya ang Hollywood Film na 'Clash of the Titans'

Posted: 27 Dec 2011 03:38 AM PST

Grabe ha, inspiradong inspirado ang creative staff ng pelikulang 'Panday 2' sa panggagaya sa Hollywood film na 'Clash of the Titans'...

Sabi nga ng isa sa mga reader ko ay kailan pa daw napunta sa Pilipinas ang halimaw na si Kraken... hahahaha... oh eto ang photo!


Photo by Jessie


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.