byxbuzz |
'Big Brother' & 'Deal or No Deal' Lilipat na sa Time Warner? Posted: 16 Dec 2011 02:31 AM PST Tanong ng marami ngayon mapupunta na ba sa Time Warner ang Dutch Company na Endemol, na nasa likod ng mga hit TV show franchises na 'Big Brother', 'Deal or No Deal', 'Extreme Makeover: Home Edition', 'Star Academy/Operacion Triunfo', 'Fear Factor', 'Wipeout' at marami pang iba? Ang Endemol ngayon ay humaharap sa malaking pagkakautang na may halagang $2.6 billion at interesado ang higanteng Time Warner sa Endemol kaya nag-offer sila ng $1.3 billion. Narito ang naging official statement ng Endemol na inilabas ng kanilang Spokesman: Endemol has received a revised offer from TW. The company has passed it on to the lenders. We remain focused on our discussions with lenders and these have entered the final stages. We are confident that a solution that puts the company on a firm financial footing for the future is now imminent. Ano nga ba magiging epekto nito sa ating mga Pinoy TV viewers? Alam naman natin na may 3 taon pa ang 'Big Brother' at 'Deal or No Deal' sa ABS-CBN habang ang 'Extreme Makeover: Home Edition' ay nasa TV5 naman, kung mapupunta ang Endemol sa Time Warner maaaring ito maging dahilan ng paglipat ng 'Big Brother' at 'Deal or No Deal' sa TV5. Paano kung mas panigan ng Time Warner ang offer ng TV5? Maaaring mas maging mahigpit ang Time Warner sa Live Stream at International broadcast ng 'Pinoy Big Brother' o maaaring maging mas maluwag sila. Kung Time Warner na ang maghahawak sa Endemol, iyan ang malalaman natin sa mga susunod na araw. Higante ang Time Warner at sana maging mas maganda ang pamamalakad nila sa mga franchised TV shows nila na umeere sa atin if ever na matuloy nga ang pagbili ng Time Warner sa Endemol. Photo 1 by Endemol Australia and Network Ten Photo 2 by NBC and Endemol USA Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!! |
Pokwang Handa ng Magpaiyak Ngayong 2012 Posted: 16 Dec 2011 01:51 AM PST Nakilala natin ang Kapamilya Star na si Pokwang bilang isang magaling na Komedyante at Noontime Show Host pero ngayong 2012 isang bagong Pokwang ang ating makikita. Ngayong January 2012 nga ay handa na niya tayong paiyakin sa kanyang pelikulang 'A Mother's Story', ang unang pelikula ng TFC (The Filipino Channel), na tungkol sa isang dakilang Ina na nagtungo at nagtrabaho sa bansang Amerika para mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Maski ako naantig sa trailer ng pelikulang ito ha (mapapanood sa ibaba) kaya masasabi ko na isa nang Drama Actress si Pokwang. Patunay nga diyan ang mga OFW, na nakanood sa Advanced Screening sa ibang bansa, na napaiyak ni Pokwang. Kung gusto ninyo simulan ang taong 2012 na inspirado, manood ng 'A Mother's Story' ngayong January 8, 2012 sa mga paborito ninyong sinehan. Makakasama ni Pokwang sa pelikulang ito sina Xyriel Manabat, Rayver Cruz, Beth Tamayo, Daria Ramirez, Nonie Buencamino, Ana Capri, Jaime Fabregas, Aaron Junatas, K Brosas at mula sa direksiyon ni John-D J. Lazatin. Watch now the trailer here... Maganda ang nanay ko, hinde naman di ba? Love it!!! Poster by TFC Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!! |
You are subscribed to email updates from byxbuzz To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email delivery powered by Google |
Google Inc., 20 West Kinzie, Chicago IL USA 60610 |
0 comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.