byxbuzz

Monday, October 31, 2011

byxbuzz


'PBB Unlimited' Kinopya nga ba ang 'Big Brother 2010 (UK)'?

Posted: 31 Oct 2011 06:38 AM PDT


So nagsimula na nga ang 'Pinoy Big Brother Unlimited' noong Sabado at base sa mga pangyayari mukhang inspired ng 'Big Brother 2010 (UK)' ang unang Linggo ng season 4 ng PBB.

Noong nakaraang taon ay mala-carnival na theme ang meron sa buong season ng 'Big Brother 2010 (UK)' habang sa atin naman ay Fiesta ang theme ng Opening night.

Sa opening night ng 'Big Brother 2010 (UK)' ay 81 Possible Housemates ang ipinakilala at 13 sa mga ito ay pinili ni Big Brother na maging Official Housemates at ang 14th Housemate ay napili sa pamamagitan ng random draw habang ang di napili ay naging Reserve Housemates.

Si 14th Housemates ay tinawag na Mole kung saan bibigyan siya ng mga task at kapag nagawa niya ito ay magiging Official Housemate siya. Oh di ba parang ganyan din ang nangyari noong Sabado.

Pero like I said mukhang sa first week lang ito magaganap dahil ang mas malalaki pang UNLIMITED twists ay mabubunyag sa mga darating na araw. So hinde naman ito pangongopya, inspired lang, at saka hinde naman slum ang house last year sa UK. Infairness bet ko ang ginawa nila.

Photo by Kim de Guzman


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'PBB Unlimited' Housemate Seichang & Big Brother Hindi Nagkaintidihan

Posted: 31 Oct 2011 06:16 AM PDT


Oh eto na ang latest na mga kaganapan sa loob ng Bagong Bahay ni Kuya.

Pinatawag daw ni Big Brother si Official Housemate Seichang o Seichi sa Confession Room para makipagkwentuhan. Pero ang dalawa ay di nagkaintindihan dahil sa pagkakaiba ng alam na lenggwahe kaya naman pinatawag ni Big Brother si Pamu para maging translator pero ang ending eh hinde na rin sila nagkaintindihan.

Ayon kay Seichang si Pamu daw ang pinakamagandang Girl Housemate. Na siya namang ikinaselos ni Kigoy na mukhang may gusto na kay Pamu. Wala pang isang linggo si Kigoy sa PBB House pero puro gimik na ang alam para lang makakuha ng boto andyan yung paawa (infairness bet ko ang pagbabagong buhay niya) at etong niluluto niyang loveteam.... Pwede ba tigilan ako kaya kapag nanominado iyan eto ang iboboto ko BBE KIGOY Ahahaha...

Oh balita ko din mukhang nag-iinarter o nahihirapan yata si Kim de Guzman sa buhay Barung-barong. At balita ko rin nagkantahan ang mga Housemates.

Yan at iba pa ang dapat abangan sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'.

Source and Photo: PinoyBigBrother.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Pagsisimula ng 'PBB Unlimited' Hinde Bongga

Posted: 31 Oct 2011 05:53 AM PDT


Katulad ko, isa ba din kayo sa mga nakulangan, nabitin at nadismaya sa first 2 episodes ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'?

Actually maganda naman ang konsepto na Fiesta ng Opening Night ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' pero nakulangan ako sa energy dapat super festive ang energy. Fiesta raw wala kang nakitang Combo man lang na sana siyang ginamit na background music. At di pasado ang hair style ni Bianca Gonzalez at ang mala-ukay ukay na suot ni Toni Gonzaga. Masyadong minadali ang pagpapakilala sa mga Housemates. At nabitin ako sa pasabog na rebelasyon para sa temang UNLIMITED. Di sumapat sa akin ang paliwanag na kaya ito UNLIMITED dahil sa tasks at sa Reserve Housemates.

Di gaya noong 'Double Up' na unang gabi pa lang eh pasabog na ang mga rebelasyon kung bakit ito tinawag na DOUBLE UP kahit na alam mong may mga tinatago pang surpresa si Kuya sa tema nitong Double Up.

Actually alam ko may mga pasabog pa si Kuya tungkol sa Unlimited at naiintidihan ko din naman kung bakit di pa sila nagsishare ng isa sa mga pasabog ng Unlimited. Siguro may stages or may pagkakasunod-sunod ang pag-anunsyo at saka dahil din sa Holiday season ngayon at wala masyadong nanonood ng TV. Kaya siguro sa November 2 sasabihin ang patikim sa twist ay dahil na rin sa di Holiday ang araw na iyon.

Kagabi ay inangal ko sa Twitter ang di bonggang editing ng episode kagabi. Buti na lang minutes after eh nagpaliwanag si Direk Lauren sa Twitter at ngayon nga ay naitindihan ko na sila. Mahirap ang trabaho nila.

Ako naman ang taong naniniwala na mas importante kung paano tinapos o nagtapos ang programa kesa sa kung paano ito sinimulan. Halimbawa ang mga TV shows na 'Pure Love (49 Days)' at 'Pinoy Big Brother Season 2'. Sa 'Pinoy Big Brother Season 2', napakalamya ang unang buwan nito pero sino mag-aakala na pasabog ang magiging ending nito na nagkamit ng napakaraming boto. Ganyan ang PBB napaka-unpredictable kaya kahit na hindi bongga ang 1st 2 episodes ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' eh papanoorin ko pa rin dahil promising ang Housemates lalo na ang Reserve Housemates at dahil din naniniwala ako na Epic ang season na ito gaya ng ipinangako ni Cutie Marcus.

Photo by Mikee


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.