byxbuzz

Thursday, December 29, 2011

byxbuzz


Mga Pagkakaparehas Nina Tyron Perez & AJ Perez

Posted: 29 Dec 2011 07:26 AM PST

Ito ang mga common sa 2 Teen Actors na namatay ngayong taon na sina AJ Perez at Tyron Perez:

1) Parehas PEREZ apelyido nila.
2) Parehas namatay sa kotse.
3) Parehas Kapamilya
4) Parehas 'MMK' ang huling show nila.

Gaya ng alam natin si Marky Cielo ang unang member ng 'StarStruck' na namatay at gaya ni Tyron, December din ito namatay.

Rest in Peace Tyron Perez :(


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Byxbuzz Naging Source ng PerezHilton.com

Posted: 29 Dec 2011 05:49 AM PST


Noong Enero ng taong ito ay muli kong binuksan ang blog kong ito dahil nga sa huling taon ng 'Harry Potter' film franchise. Gusto ko i-blog at i-share sa iba ang mga latest na balita, kaganapan at rumors sa huling taon ng pinakamamahal kong istorya. Kaya naman ilan sa entry ng blog ko ay kadalasan tungkol sa 'Harry Potter'

Summer this year ng simulan ko ang 'Harry Potter Finale Special' ng BYXBUZZ kung saan puro 'Harry Potter' news na ang nilalaman nito. At isa sa nga sa mga biyayang natanggap ng blog na ito ay ng maging source ng PerezHilton.com, ang No. 1 Showbiz sa blog sa buong mundo, ang isa sa mga entries ko tungkol sa 'Harry Potter'.

Ang post ko na Snape Dies in the Boathouse and Not in Shrieking Shack in 'Deathly Hallows 2' ay nagamit bilang source sa PerezHilton.com na makikita at mababasa rito

Naging source din ako ng iba pang International blogs (SnitchSeeker, Portkey, Oclumencia, MuggleNet, Leaky Cauldron, etc) at ito ang article ng Hypable kung saan naging source ako (mababasa rito)

Ang number 1 na tagapagbigay ng Harry Potter Update (@HPUpdate) sa Twitter ay naging source din ako. Sa mga forum, source din nila ako at ang aking blog gaya ng sa mga sumusunod:

HarryPotterForum.com (mababasa rito at rito)
Yahoo! Mexico (mababasa rito)
FilmBuzi (mababasa rito)
Magical-Menagerie.com (mababasa rito)
Journalfen.net (mababasa rito)

Isa din ako sa unang nagbalita na may gaganapin na Test Screening ng 'Deathly Hallows 2' sa Chicago noong April 1. At pati nilalaman ng Test Screening binalita ko, bale binahagi ko ang description ng buong pelikula.

Sa buong mundo ako ang unang nagbalita tungkol sa Harry Potter 3D Glasses, pati halaga nito binalita ko rin (syempre bumili ako at nagbayad ng bongga sa custom). Pati mga naganap sa Philippine Premiere night nito ay binalita ko. Ako din unang nag-share ng mga description ng Posters at banners ng nasabing pelikula (na napost din sa HarryPotterForum.com).

Naging matagumpay nga ang taong 2011 para sa BYXBUZZ, sana maipagpatuloy ko sa 2012 ang pagbibigay ng mga fresh chikas!!! Maraming salamat sa pagmamahal at sa inyong inis sa aking blog. Salamat din sa Warner Bros., Apple, realD Cinema, Potterheads, at sa mga Kilalang International Bloggers sa buong mundo lalo na sa iyo Perez Hilton.

Muli salamat sa taong 2011!!!

Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ang Kontrobersyal na Birth Certificate ni Biggel

Posted: 29 Dec 2011 05:08 AM PST

Para sa Unang bahagi just click here
Para sa Ikalawang bahagi just click here

Gaya ng nasabi ko kahapon, narito ang kontrobesryal na Birth Certificate ni Biggel na ni-request ko sa aking source (Please click the photo to zoom):


Mapapansin dyan na Filipino ang nakalagay na Nationality ng ama ni Biggel. Ayon sa aking source:

To let everybody knows that Mr. Emil Biggel got married only to Ms. Luz Sanchez Biggel.

This is an advice to those who is using name BIGGEL as surname in his/her Birth Certificate with out the knowledge of the person EMIL BIGGEL . Please correct your entry as soon as possible.

Dagdag pa ng aking source click here to read.

Inuulit ko ang mga impormasyon aking natanggap ay mula sa aking source at hinde sa akin. Salamat sa aking source na tunay na nagmamahal sa pamilya ng Daddy ni Biggel.

Abangan bukas ang isa pang dokumento!!! Salamat!


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Shalani Soledad Aalis na sa 'Wiltime BigTime'

Posted: 29 Dec 2011 04:28 AM PST


Kumpirmadong aalis na sa 'Wiltime Bigtime' ang napaka-energetic na TV host na si Shalani Soledad.

Pero huwag mag-alala ang fans ni Shalani dahil baka isang buwan lang siya mawala sa nasabing programa dahil aasikasuhin niya ang nalalapit na kasal nila ni Congressman Roman Romulo.

So ilang linggo lang ay makikita ninyo na ulit ang napaka-energetic ninyong TV host. Ayon kay Shalani, di madaling magpaalam ng pansamantala dahil mahal daw niya ang lahat ng kanyang katrabaho at ang mga loyal viewers nila. Sweeet mo naman!!! Echos!

Photo by TV5 and Wil Productions


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Vice Ganda, Anne Curtis & Sarah Geronimo Magsasama sa Pelikulang 'Two and a Half Sisters'

Posted: 29 Dec 2011 04:21 AM PST


After tumabo ng husto sa takilya ng pelikulang 'Praybeyt Benjamin' ay nakahanda na ang susunod na pelikula ng bida nito na si Vice Ganda.

Ayon sa tsika, makakasama ni Vice sina Sarah Geronimo at Anne Curtis sa susunod niyang pelikula na may title na 'Two and a Half Sisters' sa ilalim ng direksyon ni Wenn Deramas.

Tama ang desisyon ng Viva Films na pagsamahin ang tatlo sa pelikula!!!

Photo via ABS-CBN.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Mother Lily Di Pinadalo ang mga Artista ng 'Shake' & 'Yesterday' sa MMFF Awards Night

Posted: 29 Dec 2011 04:08 AM PST


Nakatanggap ako ng balita na hinde nakuha ng personal ng Kapamilya Child Star na si Bugoy Carino ang kanyang napalunang Best Child Star Award sa naganap na Metro Manila Film Festival 2011 Awards Night' kagabi.

Sinabihan kasi ni Mother Lily Monteverde ang lahat ng artista sa mga pelikula niyang 'Yesterday Today Tomorrow' at 'Shake Rattle & Roll 13' matapos nga i-disqualify sa 4 awards ng MMDA ang pelikulang 'Yesterday Today Tomorrow' dahil sa paglabag sa rules.

Ito namang si Mother Lily, siya na nga nagkamali siya pa may ganang magtampo. Ilang taon na siyang sumasali sa MMFF kaya dapat alam niya ang rules. Natatandaan ko pa noon na sinuportahan niya si Pres. Noynoy Aquino sa pagkandidato nito na maging Pangulo dahil naniniwala daw siya sa at gusto niya ang tuwid na daan ni PNoy. Eto tinutuwid ang baluktot niyang nagawa pero siya pa ang may tampo.

Sana pinadalo niya pa rin ang mga artista sa kanyang mga pelikula bilang paggalang sa MMDA at MMFF, buti nga hinde napatigil ang pagpapalabas ng pelikula niya.

By the way, nanalo si Bugoy ng nasabing award dahil sa kanyang bonggang performance sa 'Tamawo' episode ng 'Shake Rattle & Roll 13'. Samantala, malapit na siyang mapanood sa Robot-seryeng 'E-Boy' sa PrimeTime Bida ng ABS-CBN.

Photo via PinoyMovieBlog.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'The Amazing Race Philippines' Paparating na sa TV5

Posted: 29 Dec 2011 03:46 AM PST


Paparating na sa mas pinalakas na TV5 ang isa sa pinakamalaki at pinakapinapanood na reality shows sa buong mundo ang 'The Amazing Race'.

I really love this show at gusto ko ngang magkaroon ng Pinoy version. Natanong ko pa nga dati sa staff ng 'Pinoy Big Brother' kung posible bang dalhin ng ABS-CBN ang reality show na ito, ayon sa staff gusto nila pero di raw kakayanin ng budget. Kaya I am so happy na dadalhin ito ng Kapatid network sa ating bansa.

Ayon sa teaser (na mapapanood ninyo sa ibaba) ang 'The Amazing Race Philippines' ay eere sa 2012.



Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Hunk of the Day: Alex Hidalgo's Bench Photoshoot

Posted: 29 Dec 2011 03:15 AM PST


Here's the Bench photoshoot of Venezuelan Model Alex Hidalgo. The yummy model was part of the 2011 Cosmo Bachelor Bash!!! watch the video below



Photo via BlueCloud's Confession


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Ai Ai delas Alas Inisnab si Vice Ganda!

Posted: 29 Dec 2011 03:09 AM PST


Kumakalat ngayon ang balitang pinaringgan ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account na @vicegandako ang kapwa Kapamilya na si Ai Ai delas Alas matapos siyang isnabin nito ng minsan magkita sila sa isang 5-star hotel.

Sana naman maayos na ang gusot na ito at di na lumaki. Malay natin busy si Ai Ai on that time, di ba? Bet ko pa naman silang magsama sa isang movie na may title na 'Petra ng Ina Mo' or 'Unkabogable ang Ina Mo'. Hahahaha!

Photo by Viva Films


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.