byxbuzz

Monday, December 26, 2011

byxbuzz


Ang Nakakakilig na Eksena Nina Slater & Divine

Posted: 26 Dec 2011 07:01 AM PST


Kahit na parehong babae ang tinitibok ng puso nina 'Pinoy Big Brother UnliNight' Housemates Divine at Slater eh marami pa rin ang kinikilig sa magkaibigang ito.

Tinawag pa nga nila ang loveteam ng dalawa na SlaVine at marami ang umaasa na magkatuluyan ang dalawa. Narito ang isa sa mga mararaming eksena ng dalawa sa Bahay ni Kuya



Photo by SlaVine Fans


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Film Review: 'Segunda Mano', Pinakamagandang Movie ni Kris Aquino

Posted: 26 Dec 2011 07:08 AM PST


Kahit 'Segunda Mano' ang title ng 'Segunda Mano', ang pelikulang ito ay nagpakita ng isang bagong twist sa Pinoy Horror Film as in hinde 'Segunda Mano' ang twists na mayroon sa pelikula na ito.

Gaya ng pulang bag na siyang pinakabida sa pelikulang ito, ang 'Segunda Mano' ay naglalaman rin ng iba't-ibang surpresa. Unahin na natin sa Direktor nito na si Bb. Joyce Bernal. Noong madinig ko na ang balitang si Bb. Joyce ang magiging direktor eh kinabahan ako, medyo disappointed pa nga ako kasi alam ko kilala siyang Direktor ng mga romantic films. Pero ng mapanood ko na ang pelikula, nasabi ko sa sarili ko na may K as in Karapatan pala si Bb. Joyce na gumawa ng isang horror film. Bongga siya!

Isa ding surpresa sa pelikulang ito si Bangs Garcia, I'm sure kung napanood ninyo na ito, ay lahat sasang-ayon sa akin. Sa totoo lang, sorry to say, pero nilamon niya ng buhay ang bida nito na si Ms. Kris Aquino. Super bongga ng performance niya, dati di ko siya type bilang isang artista, ngayon like na like ko na siya. At para sa akin, siya ang aking Best Supporting Actress ng Metro Manila Film Festival 2011. Maraming sya pasabog na scenes pero pinakagusto ko yung scene niya sa kalye.

Ang performance din rito ni Dingdong Dantes ay isa ring surpresa. Ito ang pelikula niya na napanood ko na makikita mo ang lalim at husay ng kanyang pag-arte. Kung pagbabasehan mo sa trailer ng 'Segunda Mano' iisipin mo na ah isang normal na Dingdong lang ang mapapanood mo pero like what I said, once na mapanood mo na ang pelikulang ito eh ibang Dingdong ang mapapanood ninyo. At kung ako ang tatanungin may K as in may Karapatan siyang maging Best Actor ng MMFF 2011!

Hinde rin nagpatalo ang editing ng 'Segunda Mano', kung hinde dahil sa bonggang editing ay baka pumanget ang pagka-presenta ng story at twists. Medyo di ko bet ang Musical Scoring, dahil naging predictable ang ilang scenes dahil sa scoring ha.

Kung iniisip ninyo na ang story ng 'Segunda Mano' ay gaya sa mga ibang Pinoy horror films ay nagkakamali kayo. Gaya ng sabi ko kanina, hinde 'Segunda Mano' ang twists na mayroon sa pelikulang ito, unpredictable ang twist, na siya namang pinakamalaking surpresa.

How about Kris Aquino's preformance? She did a good job naman, I think nag-improve siya kumpara sa mga dati niyang pelikula, pero parang nakulangan pa rin ako sa performance niya. Si Angelica Panganiban naman ay naibigay naman niya ang hinihingi ng role niya, pero medyo nalabuan ako sa story ng family niya. Hinde rin naman nagpahuli sa acting si Ms. Helen Gamboa, andun pa rin ang husay niya sa pag-arte.

Tama ang decision ni Ms. Kris na i-produce niya ang pelikulang ito, dahil ito ang kanyang pinakamagandang pelikula.... Tamang takot at drama, swabeng love story, 18 times akong pinatili at bonggang twists... May K as in Karapatan sa titulong Best Picture ng MMFF 2011 ang 'Segunda Mano'

Photo by Star Cinema


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

KC Concepcion & Guji Lorenzana Hosts ng 'X Factor Philippines'?

Posted: 26 Dec 2011 05:37 AM PST


Noong isang Linggo umugong ang balitang lilipat si KC Concepcion sa TV5 pero nakita ko sa isang account na hinde ito lilipat dahil kasama ito sa 'Alta' at 'X Factor Philippines'. Kaya naman last week ay ibinalita ko na mananatili si KC sa 'Alta' na mababasa rito.

Ayon sa tsikang nakalap ko, sina KC Concepcion at Guji Lorenzana raw ang Hosts ng 'X Factor Philippines'. Ang dalawa ay may alam rin sa musika dahil pareho silang singer at si Guji naman ay isang radio DJ. Pero gaya ni Kuya Martin Concio ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' ay wala pa ring final na decision at pwede pang magbago.


Balita ko masaya si KC na dalhin ng ABS-CBN ang isa sa pinakamalaking reality shows sa UK.

Ang 'X Factor Philippines' ay eere sa 2012 at kung sa tingin ninyo ay may X Factor kayo sa pagkanta o may Topak Factor lang kayo, sali na, malay ninyo, isa kayo sa mga mapipiling iharap sa Judges. Join the online audition, just click here

Photo via ABS-CBN


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'X Factor Philippines' Online Audition

Posted: 26 Dec 2011 04:44 AM PST


Marunong ka bang kumanta? Sa tingin mo ba may X Factor para maging next Pop Superstar? Kung OO then sali na sa unang season ng 'X Factor Philippines'. Mazg-audition online!!!

REMINDERS (for the CONTESTANTS):

* The X Factor is a singing competition
* Contestant/s may be solo, duo, trio, groups
* Contestants must be 13 years old and above.
* Please read the Auditions Details, Dates and Venues Tab first for other details.


To audition online:

1.Create a short video of yourself or your group showcasing your singing talent.

2.Download and fill up the Audition Information Sheet and Waiver Release Sheet if participant is below 18 years of age.

3.Send your filled-up Information Sheet and Audition Video in a single email to xfactor@abs-cbn.tv

Video notes:

1. Any video file format is accepted.

2. Limit the video file size to 9mb. (Song: around 2minutes)

3. NO Music Video, Voice Alterations or Special Effects please. Treat this as if you are auditioning in real life.

Only chosen audition entries will be contacted by X Factor Philippines.

Photo by ABS-CBN, Fremantle Media, and Syco TV


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'Enteng ng Ina Mo' & 'Panday 2' Nanguna sa Unang Araw ng MMFF 2011

Posted: 26 Dec 2011 04:08 AM PST


Gaya ng inaasahan ang pelikula ng 2 Box Office Royalties Vic Sotto & Ai Ai delas Alas na 'Enteng ng Ina Mo' ang nanguna sa takilya sa unang araw ng Metro Manila Film Festival.

Ang nasabing pelikula ay kumita ng 38.5 Million. Pumangalawa ang 'Panday 2' ni Sen. Bong Revilla with 20M. Mapapansin na mga fantasy films ang Top 2 na pawang mga pambata. Narito ang Top 3-7

3rd: 'Segunda Mano' - 18.25M
4th: 'My House Husband (Ikaw Na)' - 17.33M
5th: 'Shake, Rattle & Roll 13 (Finale)' - 15.9M
6th: 'Yesterday, Today & Tomorrow' - 10.1M
7th: 'Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story' - 3M


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.