byxbuzz

Sunday, December 18, 2011

byxbuzz


Housemates Jessica & Deniesse Nagpalitan ng Bahay!

Posted: 18 Dec 2011 04:26 AM PST

Bilang bahagi ng Kapaskuhan, inutusan ang 2 grupo ng Housemates sa kanyang mga Bahay na magbigayan (magpalitan) ng regalo. Ang regalo ay dadalhin ng isang Housemate sa kabilang Bahay.

Sa Team Wayuk, si Jessica ang nagdala ng regalo para sa mga Team High Voltage as in pumunta siya sa Mansion ni Kuya.

Kumanta ng ilang part ng Christmas song ng Wayuk itong si Jessica, at habang kumakanta itong si Jessica, eto naging reaction niya:



Di ba ayaw ni Jessica sa mga Jologs pero ano ito (orocan nga?)

Kigoy: You have byutipol eyes
Jessica: You too, you have beautiful eyes too.

Eto naman naging reaction ni Biggel

Biggle: Sana paglabas dito magkita kami (Jessica)

Eto naman reaction ni Deniesse sa pagpasok sa kanila ni Jessica. Hahaha!


Ayon kay Slater, mas maganda raw si Tin kaysa kay Jessica, maputi lang daw ito. Common naman daw ang look ni Jessica ayon kay Jerico. Sabi naman ng ilan kamukha ni Jessy Mendiola si Jessica. Nagandahan naman si Divine sa boses nito at parang na-LSS ang mga Housemates sa part na Merry Christmas baby.

Si Deniesse naman ang pumunta sa Team Wayuk para dalhin ang regalo ng Team High Voltage.

Deniesse: Hi Peace na tayo...(Paco)

Sabi ni Jessica sa mga kasamahan niya sa Wayuk na mas gwapo daw boys sa Wayuk, pero maganda house ng High Voltage. Mas older din daw housemates sa at si Carlo daw ang gwapo!

Jessica: Mabait talaga sila... at first i was scared but they're really nice...

Jessica: Sobrang ganda ng bahay nila...
Jessica: Parang bahay talaga...
Jessica: Mabait talaga sila
Jessica: Sobrang nice ng house nila. Here, sobrang dark
Jessica: Their confession room? Literally like Winter Wonderland
Luz: I loooove their confession room
Paco: Ah nakarating ka sa confession room?

Jessica: Para sa akin ha… mas gwapo, pero mas maganda ang bahay nila
Jessica: Gwapo si Carlo
Pamu: Gwapo si Carlo?!
Jessica: Gwapo si Jerico
Luz: Yeah, Jeriko's so handsome
Jessica: And they seem whiter there…

Si Deniesse naman sinabihan ang mga taga-dating looban na namimiss na sila ng mga dati nilang kasama. Si Ate Luz naman ay iniinggit ang mga kasama niya sa Wayuk kung gaano kaganda ang house ng High Voltage.

Pag-uwi naman ni Deniesse sa bahay nila ay sinabi niyang guwapo si Kevin at sinabi niya kay Wendy na super sweet ang image niya doon.

DENIESSE: Since nga may unlimited chocolates nila na di naman pala talaga unlimited, binigyan tayo ni Paco! Si Paco ang nagbigaaaayyyyyy! whooooo! Ganda ng pasok ko kasi sweet lang. Di pa nila binuksan yung gift… miss na daw nila kayo…

DENIESSE: Huli akong nag-hi kay Paco, nagkataon lang. Pagka-hi ko kay Paco, Pacoooo, sorry na (?), peace tayo *hug*". Tapos si Paco, "ah so ceasefire na?", "ceasefire naman ako foreverrr"

DENIESSE: Lima na lang silang babae dun…

DENIESSE: Good luck daw sa mga challenges. Mukha namang mabait sila pero… hinde, mabait talaga sila. Sabi ni Mami Luz, ano raw pagkain natin dito? "mami, sorry, may meat na kameeeee"

DENIESSE: Tama si kigoy mas maganda yung bahay natiiiiiin! Yung sinasabi niyang bricks, di naman pala totoong bricks! pintura lang!
DENIESSE: Sabi ko dun, cute bahay nila, ampanget naman kung di ko pupurihin
DENIESSE: Yung Kim, morena siyaaaaaaa...Saka ang kapal niya magkilay at di na siya sweet, mukhang may attitude na


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

Housemate Wendy Lumabas na ng Bahay ni Kuya?

Posted: 18 Dec 2011 03:50 AM PST


Kagabi nga matapos sabihin ni Kuya ang bonggang Pamasko niya sa mga Housemates na wala ng nomination at eviction na magaganap hanggang sa matapos ang taong 2011 ay marami ang nakapansin sa naging reaksiyon ni Housemate Wendy sa balitang ito.

Kung ang lahat ng Housemates ay masaya siya naman ay nalungkot sa nadinig na balita mula kay Kuya at nagsabing gusto na niyang mag-Voluntary Exit. Buti na lang nilapitan siya agad ng kaibigan niyang si Deniesse. Talagang totoong tao si Wendy hinde nagkukunwari sa kanyang nararamdaman para lang maging Big Winner. Miss na niya ang kanyang mga magulang, kapamilya at kaibigan.

Medyo natakot at nalungkot ako kung saka-sakaling mag-Voluntary Exit siya buti na lang di siya pinayagan ni Kuya na lumabas. Eh isa naman talaga siya sa nagbibigay buhay sa 'Pinoy Big Brother UnliNight'

Photo by Wendy Tabusalla


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

'PBB Unlimited' Housemates Bibida sa Christmas Concert

Posted: 18 Dec 2011 03:39 AM PST


Ilang oras pagkatapos ng 4th Eviction Night ng 'Pinoy Big Brother Unlimited', kung saan sina Housemates Erica (UnliDay) & Seth (UnliNight) ang napalayas, ay inanunsyo na ni Big Brother ang bagong Weekly Task & Kontra-Battle ng mga Housemates na Christmas Concert.

Gagawa ng 7 production numbers ang mga Housemates kung saan ipeperform nila ito ng Live sa harap ng audience. Bawat Housemate ay mag-iimbita ng isa sa kanilang mahal sa buhay para manood ng concert nila.

Naku ang Concert task ay di na bago ha, 'PBB Season 1' pa lang meron na yan, so 2005 pa yan eh 2012 na in two weeks!

Photo by Slavine


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.